\

Bahagyang tumaas ang unemployment rate sa bansa nitong Marso 2025, ayon sa pinakabagong datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Base sa resulta ng Labor Force Survey, ang unemployment rate ay naitala sa 3.9%, bahagyang mas mataas kumpara sa 3.8% noong Pebrero 2025.
Ayon kay National Statistician Dennis Mapa, ang pagtaas na ito ay resulta ng pagbaba ng labor force participation, o ang porsyento ng mga taong aktibong naghahanap ng trabaho o may trabaho. Marami raw ang pansamantalang lumiban sa trabaho dahil sa mga gawaing may kinalaman sa pag-aaral at tungkuling pangbahay.
Naitala rin ang pinakamalaking pagbaba sa trabaho sa mga sumusunod na sektor:
- Construction
- Wholesale at retail trade
- Pagkukumpuni ng sasakyan at motorsiklo
- Iba pang service activities
- Pangingisda at aquaculture
Bagama’t maliit ang itinaas sa porsyento, may epekto ito sa libo-libong manggagawang nawalan ng hanapbuhay o hindi na muling nakapasok sa dating trabaho. Ayon sa mga analyst, ito ay maaaring indikasyon ng mga seasonal o temporaryong pagbabagong pang-ekonomiya na dulot ng pagbabalik ng klase at mga isyung domestiko.
Inaasahan naman ng pamahalaan na makakabawi ang employment rate sa mga susunod na buwan, lalo na’t patuloy ang pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastruktura at mga inisyatiba para sa job creation.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa employment at ekonomiya ng bansa, manatiling nakatutok sa GNN Business News.