Home » Ransom Money Dinaan sa Casino Junket Operators—PNP

Ransom Money Dinaan sa Casino Junket Operators—PNP

by GNN News
0 comments

Pinangalanan na ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang casino junket operators na umano’y naging daanan ng ransom money kaugnay ng pagpatay sa negosyanteng Chinese national na si Anson Que at sa kanyang driver.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, kinilala ang mga kumpaniya bilang 9 Dynastry Group at White Horse Club. Isiniwalat rin na nasa likod ng 9 Dynastry Group ang isang Chinese national na kinilalang si Li Duan Wang. Samantalang, hindi pa inilalantad ang pagkakakilanlan ng nasa likod ng White Horse Club.

Dagdag ng PNP, hawak na nila ang listahan ng ibang personalidad na nilipatan ng ransom money. Gayunman, nahihirapan umano ang mga imbestigador na matrace ang iba pang galaw ng pera dahil ito ay inilipat sa cryptocurrency wallets, na nagpapahirap sa tracking.

Kasalukuyan ay may limang suspek na tinutukoy ang PNP na sangkot sa pagkidnap at pagpaslang kay Anson Que, kung saan tatlo sa kanila ay hawak na ng mga awtoridad.

Plano ng PNP na bawiin ang authority to operate ng dalawang casino junket operators na nasangkot. Kasama sa mga hakbang ang pagkumpiska at pag-freeze ng kanilang assets, alinsunod sa mga umiiral na batas sa money laundering at anti-criminal financing.

Ayon pa sa PNP, sasampahan ng money laundering cases ang lahat ng sangkot sa galaw ng ransom money, kabilang na ang mga may direktang ugnayan sa junket operations na ginamit upang ilusot ang salapi.

Ang pag-usbong ng ransom money casino junket angle sa kasong ito ay nagpapakita ng lalim at lawak ng operasyon sa likod ng krimen. Patuloy ang imbestigasyon upang mahuli ang natitirang mga sangkot at mapanagot sila sa batas.

You may also like

Leave a Comment