
Ayon sa nilagdaang Proclamation No. 839, idineklara ang unang araw ng Abril bilang isang regular na holiday sa buong bansa upang bigyang daan ang pagdiriwang ng Eid’l Fitr, isang mahalagang selebrasyon sa Islam.
Ang Eid’l Fitr ay ipinagdiriwang matapos ang isang buwan ng Ramadan, kung saan ang mga Muslim ay nag-aayuno bilang bahagi ng kanilang debosyon at pananampalataya. Ang selebrasyon ay tatlong araw na pagpapakita ng pasasalamat at kagalakan matapos ang buwang sakripisyo sa pagkain, inumin, at iba pang pisikal na pangangailangan.
Ang deklarasyong ito ay ayon sa pagsusulong ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), na layuning itaguyod ang kapayapaan at pagkakaisa sa bansa sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa mga tradisyon ng bawat sektor.