Home » BOC, UMAALMA SA MALAWAKANG SMUGGLING NG FROZEN MACKEREL; IMBESTIGASYON AT PAGSAMPA NG KASO, SINIMULAN NA

BOC, UMAALMA SA MALAWAKANG SMUGGLING NG FROZEN MACKEREL; IMBESTIGASYON AT PAGSAMPA NG KASO, SINIMULAN NA

by GNN News
0 comments

Marso 6, 2025 | 6:40 AM GMT+08:00

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Manila ang 19 container vans na naglalaman ng frozen mackerel, na idineklarang iba’t ibang frozen food products.

Dahil dito, agad naglabas ang BOC ng Warrants of Seizure and Detention laban sa mga kargamento at kasalukuyang iniimbestigahan ang mga posibleng lumabag sa batas.

Ang mga responsable sa smuggling ay maaaring maharap sa kasong “Unlawful Importation” at “Misdeclaration” sa ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act.

Nakikipag-ugnayan na rin ang BOC sa Department of Finance upang maisampa ang kaukulang kasong kriminal alinsunod sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Act. Sa ilalim ng batas na ito, ang malakihang smuggling ng produktong pang-agrikultura ay itinuturing na heinous crime na may parusang habambuhay na pagkakakulong.

Bilang tugon sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy na pinalalakas ng BOC ang kampanya laban sa smuggling upang maprotektahan ang sektor ng agrikultura.

Sa pamumuno ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, paiigtingin pa ng BOC ang border control measures at intelligence operations upang mapigilan ang iligal na kalakalan sa bansa.

You may also like

Leave a Comment