Home » NAWALANG FA-50 JET FIGHTER, NAHANAP NA; 2 SAKAY NA PILOTO, HINDI NAKALIGTAS

NAWALANG FA-50 JET FIGHTER, NAHANAP NA; 2 SAKAY NA PILOTO, HINDI NAKALIGTAS

by GNN News
0 comments

Marso 6, 2025 | 6:40 AM GMT+08:00

Matapos ang isang araw na paghahanap, natagpuan na ang nawawalang FA-50 fighter jet ng Philippine Air Force (PAF) sa Mt. Kalatungan Complex, Bukidnon nitong Miyerkules.

Ayon sa mga otoridad, bumagsak at tuluyang wasak ang sasakyang panghimpapawid, na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang sakay nitong piloto. Bandang alas-11 ng umaga, natagpuan ang kanilang mga katawan sa loob ng eroplano.

Isa sa mga nasawing piloto ay nakatakda sanang ikasal sa susunod na linggo sa kanyang fiancée, na isa ring piloto ng PAF, dahilan kaya’t mas lalong naging masakit ang trahedya para sa kanilang pamilya at mga kasamahan sa serbisyo.

Ang nasabing fighter jet ay nawalan ng komunikasyon habang nagsasagawa ng tactical night operation bago ito tuluyang bumagsak. Patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi ng insidente, habang ipinagbabawal muna ang pagpapalipad ng iba pang FA-50 fighter planes bilang bahagi ng safety protocol ng PAF.

You may also like

Leave a Comment