Home » 640 KASO NG HAND, FOOT, AND MOUTH DISEASE, NAITALA SA BULACAN

640 KASO NG HAND, FOOT, AND MOUTH DISEASE, NAITALA SA BULACAN

by GNN News
0 comments

Marso 7, 2025 | 12:52 AM GMT+08:00

Labis na tumaas ang bilang ng kaso ng Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) sa Bulacan, kung saan 640 na kaso ang naitala mula Enero 1 hanggang Pebrero 22 ngayong taon.

Ito ay 1,000% na pagtaas kumpara sa 58 kaso na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Dahil dito, nagpatupad na ng serye ng mga strategic intervention ang Provincial Health Office upang pigilan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso.

Binigyang-diin naman ni Governor Daniel Fernando ang kahalagahan ng sama-samang pagsisikap upang mapuksa ang sakit at hinimok ang mga Bulakeño na maging mas masigasig sa pagsunod sa mga health protocols.

Patuloy na mino-monitor ng mga awtoridad ang sitwasyon at pinapayuhan ang publiko na panatilihin ang wastong kalinisan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

You may also like

Leave a Comment