Marso 6, 2025 | 6:40 AM GMT+08:00
Dalawang koponan ng women’s cycling ang ipinadala ng Pilipinas upang lumahok sa UCI Women Event ngayong linggo at sa Biwase Cup sa Vietnam
Sa kauna-unahang pagkakataon, sasabak ang Standard Insurance Philippine Women’s Team bilang isang continental squad sa UCI event na magaganap mula Marso 7 hanggang 12. Ang kanilang paglahok ay isang malaking hakbang para sa Philippine cycling, na naglalayong makilala sa pandaigdigang entablado.
Samantala, ang Philippine National Women’s Road Team, sa pangunguna ni Coach Mark Galedo, ay haharap naman sa Biwase Cup na gaganapin mula Marso 14 hanggang 19 sa Vietnam.
Ang dalawang koponan ay inaasahang magpapakita ng husay at determinasyon upang ipagmalaki ang Pilipinas sa international cycling scene.